Monday, June 15, 2009

May Bukas Pa

ilang episode na ng "May Bukas Pa" ang napapanood ko na mayroon namatay or nasa hospital at nanganib ang buhay. at sa tuwing nanonood ako, umiiyak ako. sobrang touched lang ba ako? inde. Nakakarelate ako....

Dati, nalulungkot lang ako kapag ganon ang eksena, pero iba ngaun, nararamdaman ko na kung anong hirap ang pinagdaraanan ng bawat tao na nawalan ng mahal sa buhay. tulad din ng pagkawala ng isang taong mahal na mahal ko...ang aking kapatid. Nararamdaman ko na kung pano ang mangulila. Kung paanong napakasakit sa puso tuwing maiisip ang kanilang ala-ala. at Kung gaanong lungkot at pagka-miss kapag me okasyon ngunit wala na sila para makasalo mo.

Mahigit isang buwan na un nakalipas magmula ng kunin ng Panginoon ang aking nakakabatang kapatid na si Lot. Isang masayahin, mabait, masipag, minsan ay masungit ngunit mapagbigay, matalino, at higit sa lahat mapagmahal.

Ang kapatid ko...madami pa sana syang mararating. madami pa sana syang mararanasan. madami pa sanang pangarap na maabot. madami pa sanang tuwa, lumbay, saya o lungkot na madarama. Madami pa sanang kwento kaming pag-uusapan. madami pa sanang chismis kaming pagbubulungan. Madami pa sanang laban kaming pagtutulungan. Madami pa sanang ligaya na pagsasaluhan.... madami pa sana....madami pa sana...

pero ngaun, wala na sya. wala na ang kapatid ko. Dumating ang Diyos, sa panahon na hinihintay ng kapatid ko, pero kinatatakutan naman namin... Nagsiawit ang mga anghel, habang humihiyaw sa sakit ang aming mga puso... Bumukas ang pinto ng langit samantalang nagsikip ang dibdib namin sa sobrang pait at sinundan nya ang liwanag at iniwan kami sa dilim ng kalungkutan....
Namatay na nga sya. wala na ang kapatid namin. Sobrang sakit...sobrang pangungulila...mdaming katanungan, madaming agam-agam...
paano, tao lang kasi kami, vulnerable sa mga sakit, tao lang na pwedeng magtampo...pwedeng magtanong kung bakit... ngunit hinde pwedeng manisi...hinde pwedeng magalit...at lalong hinde pwedeng magdamdam sa Kanya.

hinde naman ako nagdaramdam...oo sige aaminin ko nagdamdam pala ako... paano ba ang hinde? Ipinaglaban ko ang kapatid ko simula sa simula na nagkasakit sya. Lumaban kami ng sabay ng kapatid ko. positibong positibo ang pananaw namin na gagaling sya. na pagsubok lang ang lahat. if God put my sister into it, He will get my sister through it. Malalampasan namin ang lahat. Makakaya namin basta tulong-tulong at sama-sama ang buong pamilya. 28 years old, napakabata pa ng kapatid ko...mahaba pa ang magiging buhay nya..un ang iniisip namin.... pero wala daw sa tagal or sa ikli ng taon ang pamantayan ng Diyos...kung anuman ang kanyang pamantayan sa pagbawi ng kanyang ipinahiram, Sya lang ang nakakaalam.

Sa ngaun, nangungulila pa din ako. katulad kagabi, umiyak na naman ako... lagi na lang yata akong maiiyak sa tuwing me makikita ako or maiisip na nakakapag-paalala sa akin sa kapatid ko. There will always be a part in me that is missing... she took it with her... ok lang, payag naman ako na lumuha ng lumuha kung sa bawat luha na un ay mararamdaman ko na kapiling ko sya, kung kapalit ng lungkot ko ay ang ligaya nya... wala sigurong katapusan ang pagluha ko, ang pagmamahal ko sa kapatid ko, dahil walang papalit sa kanya sa puso ko... ang kaibigan ko, ang inuutangan ko ng baon ko sa eskwela kahit mas matanda ako sa kanya, ang sumbungan ko at nagpapalakas ng loob ko para lumaban para sa tama, ang mataray na inde pumapayag paapi, ang kapartner ko sa kalokohan, ang kainisan ko sa mga biru-biruan... ang kalaro ko nuong bata pa ako, ang kaagaw ko sa manika, ang kakampi ko pag may kaaway, ang katunggali ko sa padamihan ng medalyang maiiuwi sa bahay, ang kasama ko sa madami kong alala ng pagkabata.

Salamat din at ako ang kasalo mo sa mga huling sandali mo dito sa mundo... mula sa araw-araw mong pagtetext, na ang laging laman ay "ate len tawagan mo ako", na agad ko namang ginagawa, sa bawat weekends na pumupunta ka sa bahay namin para makikain, makitulog at makipagkwentuhan, ang sumbong ng sumbong sa ate len sa mga sakit na nararamdaman nya, ang nagpapaalalay sa tuwing inde na nya kayang lumakad, ang dumadaing na may masakit pero nakangiti, ang nagsabing pagod na pero masaya, ang nagpasubo ng kanin tulad ng isang bata, humiga sa aking tabi, humawak at inde bumitaw sa aking kamay, humilig sa aking balikat at nagdasal kabasay ko, nagpasalamat sa Diyos sa maiksing buhay na pinagkaloob maski namamaos ang boses at pilit tinatanggap ang sitwasyon, ang hinde nagdamdam maski kapiraso sa Diyos, ang ngumiti at maayos na nagpaalam sa lahat ng nakamasid sa kanya, ang yumakap sa akin at ang nagsabing gusto ng magpahinga, at ang nagparamdam sa akin kung gaano kainit ang huling hininga...

kapatid ko...Lot, mahal na mahal ka ng ate, alam mo yan... kung gaano at kung hanggan kelan, inde ko masusukat... magmula nun dumating ka sa buhay ko minahal na kita, sampu ng mga kapatid natin... alam kong nasa langit ka na, masaya sa piling Nya...ang tanging hiling ko lang, kung bata pa o matanda na ako , salubungin mo ako pag muli tayong nagkita...
hindi kita kakalimutan!
its been ages since i last posted here in my blog. honestly i dont even remember i have a blog until a friend told me to start blogging using blogger.com. and when I created using my gmail account thats when i knew i have a blog account na pala whew!
and i have 2 blog posts na din...

ok now... what? start blogging again! welcome myself :)

Wednesday, October 8, 2008

tumigas ang semento, nun lumamig ang ulo

"konting bato, konting semento,
malalamig na ulo, isang bahay na bato"

nun isang gabi halos magsuntukan...este...masyado naman brutal yun, halos nagsisigawan kami ng hubby ko dahil lang sa disagreement sa isang napakaimportanteng bagay..oo, madaming problema sa mundo, pero bakit bah pake ng kapitbahay namin eh sa talaga namang ayaw ko sa design ng poste ng bakod na gusto nya! ineexplain ko naman bakit ayoko, kaso mo ineexplain din naman nya kung bakit ganun ang pinagawa nya... sabay kaming nag-eexplain, sabay din kaming nakikinig, sabay kaming nanlalaki ang mata at sabay din umuusok ang butas ng ilong sa galit, sabay kaming kumukumpas ang kamay at sabay din palakadlakad paikot ikot sa loob ng bahay...at ... gang sa huli sabay din kaming nagkamemory gap kasi di namin matandaan paano kami nagkasundo, sabay kumain, sabay naglinis ng kusina, sabay natulog at sabay ulit nagising.

pero kahapon, nagulat na lang ako kasi paguwi ko, iba na un porma ng bakod, iba na un design sa poste, iba na un design sa ibaba ng frame ng mga grills... naisip ko baka nakikinig nun gabing un si kuya (ang aming mason) at para walang away, at dahil mas paborito nya ko (oh ha...pinagtitimpla ko kasi ng juice lagi si kuya hehe) kusa na lang nyang binago un mga porma at design ng poste ng aming gate................pero mali ako, kinausap ni hubby si kuya na iparedesign un bakod, sinabi nya un lahat ng mga hinaing ko, sinabi nya lahat ng mga demands ko at siguro tinakot nya na pag di ako pinagbigyan wala syang sweldo dahil na kay misis un pera wahahaha kaya ayun, nasunod din un gusto ko :)

every little things na nadadagdag sa aming humble home ay nakakapagpataba sa aking mataba ng puso hehe... thanks to God dahil naayos na namin un harapan ng bahay, nagmukha ng may nakatira, kasi dati kahit anong gawin ko, nagpapatugtog, nagsasalita ng malakas, nagpapapansin sa mga kapitbahay, nagpapa-special sa tricycle, kasi dun sa amin pag di ka special trip sa kanto ka lang bababa, pero kung special trip sa tapat mismo ng bahay mo ikaw bababa, so ayun special trip ako lagi para sabihin naman ng tryke driver ahh may nakatira pala jan! mukha kasing abandonado un aming bahay dahil wala sa ayos ang porma ng aming front view hehe...now, maganda na sya..ready na para tumanggap ng bisita..next in line na un 2nd floor, mag-iisip ulit ako ng strategy paano ko macoconvince hubby ko para masunod un design na gusto ko hahahahaha... i know it would be a never ending chatter-natter until our house is totally complete :)

Tuesday, October 7, 2008

Unang Lagay ng Panahon: Malamig(literally)

Nahihirapan akong magtype (brgggg) sobrang lamig sa bago kong pwesto ditoh sa upisina....
Unang post ko pa naman toh sa blog ko tapos naninigas un mga daliri ko hehe...

Nun unang araw ko sa trabaho, na-shock ako..inde sa "kultura" kundi sa kakaibang init sa pwesto ko..oo mainit talaga..as in pinapawisan ako habang nagrereply eh masaya naman un kinocompose ko, nakakaramdam ng kakaibang init sa katawan samantalang wholesome naman ang topic sa email at naisip ko, sobrang warm naman yata un pagtanggap nila sa akin hahaha... pero kinaya ko... halos anim na buwan din akong nagtiis, kundi lang maganda ang kumpanya, sasabihin ko..ano ba toh? gobyerno? hehe sorry po sa mga taga gobyerno, nagsasabi lang ng totoo.. pero ayun nga pagkatapos ng halos anim na buwan...siguro naisip nila tutal "regular" na ko, tama ng ilipat ako sa malamig... para bang tinest lang nila un patience at tolerance ko sa heat...parang nag-experiment lang sila, kakayanin kaya ng empleyado ang lumamig ang ulo sa mainit na lugar? ang sagot nila ay OO, akala naman nila tama un findings nila, uminit din kaya ulo ko, di ko lang sinabi baka iterminate ako eh hehe...

Balik tayo sa kasalukuyan, well well well... look what do we have here wahahaha...ang lamig lamig, ang saya saya, ang sarap sarap, wow, magagamit ko na sa wakas ang jacket ko, maipapakita ko na din na un jacket ko may hood at saka paminsan minsan dadalhin ko un trenchcoat ko..oh dibah, parang nasa ibang bansa...winter time hehe... at mukhang inde ko na kailangan ngumiti habang pinagpapawisan kilikili ko o kaya naman araw-araw buksan ang electric fan at sabihing ayos lang stretch exercise din yan...kasi bago na ang opisina, bago ang pwesto, bago pati mga lamesa, bagong airconditioning... salamat naman, sisipagin ako lalo na magwork.. kaya lang naninigas talaga daliri ko eh, parang di ko matatapos ang report ko? parang di ako makakareply sa mga emails? inde pwede to... di ako magrereklamo, ayoko ng bumalik sa mainit na pwesto... teka kukunin ko muna ang mittens at bonnet ko, di bale ng sabihin na may eskimo dito, wag lang magka-BO :D