Wednesday, October 8, 2008

tumigas ang semento, nun lumamig ang ulo

"konting bato, konting semento,
malalamig na ulo, isang bahay na bato"

nun isang gabi halos magsuntukan...este...masyado naman brutal yun, halos nagsisigawan kami ng hubby ko dahil lang sa disagreement sa isang napakaimportanteng bagay..oo, madaming problema sa mundo, pero bakit bah pake ng kapitbahay namin eh sa talaga namang ayaw ko sa design ng poste ng bakod na gusto nya! ineexplain ko naman bakit ayoko, kaso mo ineexplain din naman nya kung bakit ganun ang pinagawa nya... sabay kaming nag-eexplain, sabay din kaming nakikinig, sabay kaming nanlalaki ang mata at sabay din umuusok ang butas ng ilong sa galit, sabay kaming kumukumpas ang kamay at sabay din palakadlakad paikot ikot sa loob ng bahay...at ... gang sa huli sabay din kaming nagkamemory gap kasi di namin matandaan paano kami nagkasundo, sabay kumain, sabay naglinis ng kusina, sabay natulog at sabay ulit nagising.

pero kahapon, nagulat na lang ako kasi paguwi ko, iba na un porma ng bakod, iba na un design sa poste, iba na un design sa ibaba ng frame ng mga grills... naisip ko baka nakikinig nun gabing un si kuya (ang aming mason) at para walang away, at dahil mas paborito nya ko (oh ha...pinagtitimpla ko kasi ng juice lagi si kuya hehe) kusa na lang nyang binago un mga porma at design ng poste ng aming gate................pero mali ako, kinausap ni hubby si kuya na iparedesign un bakod, sinabi nya un lahat ng mga hinaing ko, sinabi nya lahat ng mga demands ko at siguro tinakot nya na pag di ako pinagbigyan wala syang sweldo dahil na kay misis un pera wahahaha kaya ayun, nasunod din un gusto ko :)

every little things na nadadagdag sa aming humble home ay nakakapagpataba sa aking mataba ng puso hehe... thanks to God dahil naayos na namin un harapan ng bahay, nagmukha ng may nakatira, kasi dati kahit anong gawin ko, nagpapatugtog, nagsasalita ng malakas, nagpapapansin sa mga kapitbahay, nagpapa-special sa tricycle, kasi dun sa amin pag di ka special trip sa kanto ka lang bababa, pero kung special trip sa tapat mismo ng bahay mo ikaw bababa, so ayun special trip ako lagi para sabihin naman ng tryke driver ahh may nakatira pala jan! mukha kasing abandonado un aming bahay dahil wala sa ayos ang porma ng aming front view hehe...now, maganda na sya..ready na para tumanggap ng bisita..next in line na un 2nd floor, mag-iisip ulit ako ng strategy paano ko macoconvince hubby ko para masunod un design na gusto ko hahahahaha... i know it would be a never ending chatter-natter until our house is totally complete :)

Tuesday, October 7, 2008

Unang Lagay ng Panahon: Malamig(literally)

Nahihirapan akong magtype (brgggg) sobrang lamig sa bago kong pwesto ditoh sa upisina....
Unang post ko pa naman toh sa blog ko tapos naninigas un mga daliri ko hehe...

Nun unang araw ko sa trabaho, na-shock ako..inde sa "kultura" kundi sa kakaibang init sa pwesto ko..oo mainit talaga..as in pinapawisan ako habang nagrereply eh masaya naman un kinocompose ko, nakakaramdam ng kakaibang init sa katawan samantalang wholesome naman ang topic sa email at naisip ko, sobrang warm naman yata un pagtanggap nila sa akin hahaha... pero kinaya ko... halos anim na buwan din akong nagtiis, kundi lang maganda ang kumpanya, sasabihin ko..ano ba toh? gobyerno? hehe sorry po sa mga taga gobyerno, nagsasabi lang ng totoo.. pero ayun nga pagkatapos ng halos anim na buwan...siguro naisip nila tutal "regular" na ko, tama ng ilipat ako sa malamig... para bang tinest lang nila un patience at tolerance ko sa heat...parang nag-experiment lang sila, kakayanin kaya ng empleyado ang lumamig ang ulo sa mainit na lugar? ang sagot nila ay OO, akala naman nila tama un findings nila, uminit din kaya ulo ko, di ko lang sinabi baka iterminate ako eh hehe...

Balik tayo sa kasalukuyan, well well well... look what do we have here wahahaha...ang lamig lamig, ang saya saya, ang sarap sarap, wow, magagamit ko na sa wakas ang jacket ko, maipapakita ko na din na un jacket ko may hood at saka paminsan minsan dadalhin ko un trenchcoat ko..oh dibah, parang nasa ibang bansa...winter time hehe... at mukhang inde ko na kailangan ngumiti habang pinagpapawisan kilikili ko o kaya naman araw-araw buksan ang electric fan at sabihing ayos lang stretch exercise din yan...kasi bago na ang opisina, bago ang pwesto, bago pati mga lamesa, bagong airconditioning... salamat naman, sisipagin ako lalo na magwork.. kaya lang naninigas talaga daliri ko eh, parang di ko matatapos ang report ko? parang di ako makakareply sa mga emails? inde pwede to... di ako magrereklamo, ayoko ng bumalik sa mainit na pwesto... teka kukunin ko muna ang mittens at bonnet ko, di bale ng sabihin na may eskimo dito, wag lang magka-BO :D